-- Advertisements --

NAGA CITY- Kinumpirma ng Bicol Medical Center, Blood Bank and Transfusion Services ang kakulangan ng supply ng dugo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mario Chavez, Blood Coordinator, sinabi nito na nasa code red ngayon ang blood stock dahil sa mga kanselasyon ng mga mobile blood donation activities na naka-schedule sa mga munisipyo at Local Government Unit (LGU’s).

Aniya, sa panahon ngayon na mayroong COVID-19, labis ang kanilang pangamba sa dami ng mga restrictions ngunit kailangan umano nilang ipagpatuloy ang blood donations.

Dagdag pa nito, nakikita rin kasi nila ang pangangailangan ng mga pasyente na naka-confine sa Bicol Medical Center gayundin sa mga pprivate hospitals sa lalawigan ng Camarines Sur at Camarines Norte na umaasa dito.

Sa kabila nito, nagpaabot naman ito ng pasasalamat sa Bombo Radyo Naga sa pagtulong nito na maisulong ang kanilang kampanya sa voluntary blood donation sa naturang lugar.