-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kaagad pinag-usapan ng mga nakasaksi kaninang madaling araw sa Caraga Region lalo na sa Lungsod ng Butuan ang total lunar eclipse o blood moon.

Ito’y kahit na ang total phase ng eclipse ay maaaninag sa North at South America, Urupa pati sa Western, Eastern at Central Africa, habang partial eclipse lamang ang nakikita sa Eastern Asia.

Ang ganitong phenomenon ay natunghayan sa kahit saang gabing parte ng mundo kung walang ulap ang alapaap.

May mga lugar na nakita ang buong eclipse, habang sa iba naman ay tumaas o kaya’y lumubog ang buwan.