Ikinokonsidera ng Hamas ang bagong proposal ng Egypt na nananawagan sa grupo na pakawalan nila ang 33 na bihag kapalit ang pansamantalang hindi pag-atake ng Israel sa Gaza.
Sa pinakabagong proposal ay mayroong dalawang bahagi ito na ang una ay ang pagpapalaya ng 20 hanggang 33 na kapalit ang pagpapalaya ng mga Palestinong nakulong.
Pangalawa ay ang pagpapabalik ng mga katahimikan na sa Gaza.
Hinihintay pa ng Israel ang tugon ng Hamas kung saan makikipagpulong ang mga ito sa mga mediator mula Egypt at Qatar.
Tinawag naman ni US Secretary of State Antony Blinken na ang panibagong proposal ay “extraordinarily generous sa bahagi ng Israel.
Mahalaga aniya na tumugon agad ang Hamas at umaasa si Blinken na magiging tama ang kanilang desisyon.
Magugunitang isinusulong ng Hamas ang permanenteng ceasefire at full Israel withdrawal mula Gaza ang dapat na bahagi ng kasunduan subalit nagmatigas ang Israel na kanilang itutuloy ang pag-atake sa Gaza hanggang hindi mapalaya ang mga bihag at mabura ang mga Hamas militants.