-- Advertisements --
Tinawag na isang pagkakamali ni US Secretary of State Antony Blinken kapag inatake ng Israel ang Rafah.
Nasa Cairo, Egypt si Blinken para samahan ang nasabing bansa na isulong ang tigil-putukan ang usaping pangkapayapaan.
Dagdag pa nito na halos araw-araw ay hindi sila tumitigil kasama ang ilang mga bansa para isulong ang usaping pangkapayapaan.
Magugunitang maraming mga bansa na rin ang tutol sa pag-atake ng Israel sa Rafah dahil sa maraming mga sibilyan ang madadamay doon.