Surpresang bumisita sa Iraq si US Secretary of State Antony Blinken.
Mahigit isang oras niyang nakausap sa Baghdad si Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani.
Binisita rin nito ang US Embassy kung saan pinangunahan nito ang briefing ukol sa banta sa mga pasilidad ng US.
Ang pagbisita nito ni Blinken ay para matiyak na hindi na magkakaroon ng epekto sa Iraq ang nangyayaring labanan ng Israel laban sa Hamas militants.
Bago siya nagtungo sa Iraq ay bumisita si Blinken sa Israel, Jordan, West Bank at Cyprus at isusunod nitong puntahan ang Turkey.
Nakatanggap itong katiyakan sa mga Arab nations na walang magiging epekto ang kaguluhan sa Israel sa ibang mga Arab countries.
Binigyan naman ng Israel military ng apat na oras nitong Linggo ang mga sibilyan sa Gaza na lumikas patungong timog na bahagi dahil sa pinaigting nila ang pag-atake sa Gaza City at northern strip.