-- Advertisements --

Muling babalik sa Israel si US Secretary of State Antony Blinken.

Sinabi nito na kaniyang kakausapin niya ang ilang mga opisyal ng Israel para mabawasan ang pagdami ng mga nasasawing sibilyan sa Gaza dahil sa labanan ng Israel at Hamas militants.

Iginiit nito na mararapat na maging responsable ang mga Israel Defense Forces sa tuwing sila ay mayroong ginagawang pag-atake.

Bukod sa Israel ay magtutungo si Blinken sa Jordan, South Korea at India kung saan pagtitiyak niya na nais nitong mabawasan ang anumang tensiyon sa ibang bansa dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Israel.