-- Advertisements --
Itutuloy na ni US Secretary of State Antony Blinken ang biyahe niya sa China ngayong buwan.
Ang nasabing biyahe aniya ay matagal ng naantala dahil sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng US at China.
Ayon sa US State Department na magtutungo sa China si Blinken sa darating na Hunyo 18.
Inaasahan na makakapulong nito ang ilang opisyal ng China na kinabibilangan ni Foreign Minister Qin Gang at posible maging kay President Xi Jinping.
Magugunitang kinansela ni Blinken ang biyahe nito sa China noong Pebrero dahil sa isyu ng Chinese spy balloon na nakita sa teritoryo ng US.