Muling sumakay ng eroplano ang drummer ng American band na Blink 182 na si Travis Barker sa unang pagkakataon matapos ang madugong plane crash noong 13 na ang nakakaraan.
Sa kaniyang social media ibinahagi nito ang pagsakay muli ng eroplano mula Los Angeles patungong Mexico.
Kasama niya ang nobyang si Kourtney Kardashian.
Makikita rin sa kumalat na larawan sa social media ang pagbaba nito sa private plane ni Kylie Jenner sa Cabo, Mexico.
Ang 45-anyos na si Barker ay hindi na sumakay ng eroplano mula pa noong 2008 ng ang kaniyang business jets sa Van Nuys, California ay bumagsak na ikinasawi ng ka iyang security guard, assistant at ang dalawang piloto.
Naganap ang pagbagsak sa Columbia, South Carolina noong Setyembre 19, 2008 na ikinasawi ng apat sa anim na nakasakay sa nasabing eroplano.
Nagtamo ng third-degree burns ito sa 65% ng kaniyang katawan.