Lalong uminit ang tensyon sa pagitan nina Venezuelan President Nicolas Maduro at US government kaugnay ng total blackout sa Venezuela.

Ito ay matapos sisihin ni Maduro si Juan Guaido at ang oposisyon na hinihinalang nasa likod umano ng pagsabotahe sa kanilang bansa.

Itinanggi naman ni US Secretary Mike Pompeo ang parang ni Maduro.

Maging si US national security advisor, John Bolton ay umalma rin at sinabing wala silang alam tungkol dito.

Samantala, nanawagan naman si Guaido na magsagawa ng mass protest laban kay Maduro ngayong araw.