-- Advertisements --

Dumanas ng matinding pagkabigo ang Blackwater Bossing sa kamay ng Converge FiberXers 92-90 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Itinuturing na bayani ng Converge ang rookie big man na si Justin Arana.

Naitabla kasi nito ang laro sa 90 ang laro sa natitirang 33.1 seconds at sinundan ng pag-block sa tira ni JVee Casio ng Blackwater kung saan nakapasok ang kaniyang lay-up sa natitirang 8.4 seconds.

Ikinatuwa naman ni Converge coach Jeffrey Cariaso ang naging performance ni Arana kung saan sinuwerte lamang ang kanilang koponan.

Nanguna sa panalo ng Converge si Maverick Ahanmisi na mayroong 18 points, pitong assists habang si Arana ay mayroong 13 points at 10 points, 10 rebounds naman ang naitala ni Abu Tratter.

Mayroon ng limang panalo at anim na talo ang Converge habang ang Blackwater na natalo sa apat na magkakasunod na laro ay mayroong limang panalo at limang talo na katabla ng NLEX Road Warriors sa pang-limang puwesto.