george floyd 2

Nakahanda umano si President Donald Trump na magpadala ng tropa militar sa Minneapolis para tumulong na kontrolin ang nagaganap na kaguluhan sa nasabing lugar dahil sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd.

Ayon kay Trump, kulang na kulang daw sa stratehiya si Radical Left Mayor Jacob Frey upang pahupain ang kaguluhan na dulot ng galit na damdamin ng mga raliyista.

Napag-alaman din ng Minneapolis Police Department Internal Affairs na mayroon pa lang hinaharap na 18 reklamo ang pulis na dahilan sa likod ng pagkamatay ni Floyd.

Sinisante ngayong linggo ang dating pulis na si Derek Chauvin at tatlo pang MPD officer na kasama nito noong ipatong ni Chauvin ang kaniyang tuhod sa leeg ng biktima sanhi para kaagad itong mamatay.

Makikita sa viral video na ilang ulit nagmakaawa si Floyd para tanggalin ng pulis ang tuhod nito sa kaniyang leeg dahil hindi na raw ito makahinga.