Jan Blachowicz
-- Advertisements --

Napanatili ni Jan Blachowicz ang kani yang light heavyweight belt matapos talunin si Israel Adesanya sa main event ng UFC 259.

Umulan agad ng suntok at sipa mula kay Adesanya subalit agad na kinontra ito ni Blachowicz sa laban na ginanap sa Las Vegas.

Pagdating ng ikalawang round ay nakaganti si Blachowiz at pinaulanan niya ng suntok si Adesanya.

Dahil sa panalo ay mayroong 28 panalo at walong talo si Blachowicz habang nakatikim ng unang talo si Adesanya na may record na 20 panalo at isang talo.