DAGUPAN CITY — Hinikayat ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 1 ang mga private sectors na sumuporta sa mga programa ng kanilng tanggapan para matulungan ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa kanilang pamamalagi at paglaya mula sa mga selda.
Ito ay kasunod na rin ng paggunita sa National Correctional Consciousness Week mula Oktubre 24-30 ngayong taon.
Ibinahagi ng mga kasapi ng naturang ahensiya kina J/SINSP CHERRY JANE A REPARIP, Chief Welfare and Development, J/INSP PATRICIA D VILORIA, Chief Community Relations Service, at JO2 Lorena C Coquia, CRS JNOR, ang ilang mga aktibidad sa naturang selebrasyon ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga PDL na matuto at makagawa ng mga makabuluhang bagay habang nasa kulungan.
Sa pamamagitan ng mga programa gaya ng skills enhancement at livelihood, nabibigyan ng oppurtunidad ang mga PDL na magamit ang kanilang mga natutunan sa paglabas ng selda.
Maipapakita rin sa kanilang mga inoorganisang programa na mabigyang pagkakataon ang mga bilanggo na magbagong buhay at masuportahan sa legal paraan ang kanilang pamilya.
Sa ngayon, nasa kabuuang 2500 ang mga PDL na nakapiit sa mga bilangguan sa Rehiyong Uno.