CAUAYAN CITY- Sisimulan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Ilagan City ang kanilang no contact visitation anumang araw pagkatapos ng halalan sa Lunes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay JSr. Insp. Jeremy Bondoc, City Jail Warden ng BJMP Ilagan sinabi niya na unang nagkaroon ng pagpupulong ang Regional COVID 19 task force ng BJMP at ibinaba ang approval sa pagpapatupad ng no contact visitation noong May 5, 2022.
Paliwanag ni Jail Sr. Insp. Bondoc na bahagyang naantala ang pagpapatupad ng BJMP Ilagan City ng no contact apprehension dahil may ilang requirements pa ang kinailangan nilang maisumite.
Ilan sa pamantayan para sa approval ng no contact visitation ay ang magkakaroon ng no contact visitation area, may CCTV, triage area at may safety seal certificate.
Para sa kaalaman ng mga kamag anak ng mga PDL na dadalaw ay mahalagang magdala ng face mask, valid ID, vaccination card at hand sanitizer sa pagdalaw sa kanilang mga kaanak na nakapiit sa pasilidad.
Ipapatupad ng BJMP Ilagan ang scheduled basis kung saan bibigyan ng kani-kanilang schedule ang mga PDL para sa araw ng pagtanggap ng dalaw, na may layuning maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID 19.
Maaaring maka-avail o payagan sa non contact visitation ang isang immediate family members o malapit na miyembro ng pamilya .
Saklaw rin rito ang mga common law spouse kung saan kailangan lamang magpakita ng sertipikasyon mula sa barangay na sila ay nagsasama ng dadalawing PDL.
Ang No conatct visitation ay bukas mula araw ng Martes hanggang Linggo mula 1:00pm to 4:00pm , habang bukas ang pagdalaw buong araw para sa mga araw ng Sabado at Linggo.
Maliban sa pagbubukas ng no contact visitation ay pinaghahandaan na rin ni BJMP Ilagan ang casting of votes ng pitong PDL’s.
Dadalhin ang mga PDL sa kani-kanilang polling precinct para makaboto sa araw ng halalan.