-- Advertisements --
87634887 197594498015901 3940693650119327744 n 1

KALIBO, Aklan – Umapela ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Aklan District Jail kay Aklan governor Florencio Miraflores na isama ang lahat ng kanilang persons deprived of liberty (PDL) para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Jail Inspector Joel Laquihon ng BJMP-Aklan, ang kanilang apela ay para sa proteksyon ng kalusugan ng bawat inmate sa loob ng kanilang pasilidad sa Barangay Nalook, Kalibo, Aklan.

Sa kabuuang 135 na PDLs sa male dormitory at walong PDLs sa female dormitory, wala ni isa man dito ang nabakunahan.

Nais nilang bigyang prayoridad dito ang mga senior citizens at persons with comorbidities.

Samantala, sinabi pa ni Laquihon na 22 sa 23 nilang tauhan ang nakatanggang na ng COVID-19 vaccine.

-- Advertisement --

Nananatiling Covid free aniya ang kanilang jail facilities.