-- Advertisements --
Sinang-ayunan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagpapaluwag ng mga bilangguan sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga kuwalipikadong persons deprived of liberty o PDL na nasa kustodiya ng BJMP.
Ayon kay BJMP Chief, J/Dir. Allan Iral na mayroon ng 77,960 na mga PDL ang kanilang napalaya na dumaan sa kanilang paralegal services.
Mahigit 12,000 dito ay natapos ang kanilang sentensiya habang 8,000 ay nakapaglagak ng piyansa.
Umaabot na rin sa 6,000 na mga PDL an napawalang sala, habang mahigit 140 ang ginawaran ng parole.
Inatasan din nito ang mga kanilang paralegal officer sa BJMP na doblehin ang pagbibigay ng counseling sa mga PDL para matulungan sa kanilang mga kaso.