CAUAYAN CITY- Natagpuang walang ng buhay at naliligo sa sariling dugo ang isang magsasaka sa Sta. Victoria, Ilagan City.

Ang biktima ay si Eugenio Laddit, 65 anyos at residente ng Purok-3 brgy. Sta. Victoria City of Ilagan.

Ang City of Ilagan Police Station ay nakatanggap ng tawag kay Punong Barangay Ludivico Balbin ng Brgy. Victoria at ipinagbigay alam nito na may natagpuang bangkay ng isang lalaki sa kanyang nasasakupan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nagtungo ang anak ng biktima na si Marife Lapaz sa bahay ng kanyang ama upang ipagbigay alam sana na sila ay magtutungo sa Lungsod ng Tuguegarao City upang mapatignan ang kanyang ama sa isang Psychiarist dahil sa nararanasan umano nitong depresyon at sakit sa pag-iisip.

Ngunit nakita ng anak ang kanyang ama na nakahandusay sa loob ng kanyang bahay at naliligo na sa sariling dugo.

Lumabas sa isinagawang pagsisiyasat ng Crime Laboratory Office sa pinangunahan ni Police Lt. Col Erwin Camarao na wala silang nakitang tanda ng panlalaban ng biktima.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang itak at isang kutsilyo na hinihinalang ginamit sa paglalaslas nito sa kanyang leeg na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Dinala na sa isang punerarya ang bangkay ng biyudo.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng City Of Ilagan Police Station para sa mas malalimang imbestigasyon.