Todo ngayon ang pagsisikap ng Philippine National Railways (PNR) para maibalik agad sa normal ang operasyon ng tren.
Una rito, pansamantalang sinuspindi ngayong araw ng Philippine National Railways (PNR) ang ilang biyahe sa Metro Manila, Quezon at Laguna kasunod ng naganap na lindol sa Quezon.
Nabatid na dahil sa magnitude 4.4 na lindol sa Real, Quezon ay kinansela ang lahat ng ruta ng PNR.
Ito ay para bigyang daan na rin ang pagsusuri sa linya ng tren.
Base sa abiso, operational na as of 8:22 am ang biyahe sa Gov. Pascual – Bicutan habang 9:12 am nang sinimulan paandarin ang tren sa Alabang-Tutuban.
Inaabisuhan ang publiko na bisitahin ang Facebook page ng PNR kaugnay sa mga susunod pang anunsyo kaugnay sa pagbalik ng mga byahe ng PNR.
Sa announcement ng PNR narito ang mga biyaheng suspendido:
Tutuban – Alabang
Alabang – Tutuban
Tutuban – Gov. Pascual
Gov. Pascual – Tutuban
Gov. Pascual – Bicutan
Bicutan – Gov. Pascual
Lucena – San Pablo
San Pablo – Lucena
Ilan naman sa mga biyahe ay ibinalik na kabilang ang Tutuban – Alabang, Tutuban – Gov. Pascual, Gov. Pascual – Bicutan at Alabang-Tutuban.