-- Advertisements --
image 143

Iginiit ni Go Negosyo founder Joey Concepcion ang pangangailangan para sa Pilipinas na makakuha ng “bivalent COVID vaccines” nang maaga.

Layon nito ay upang bigyan ng katiyakan ang mga mamumuhunan at palakasin ang ekonomiya ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Concepcion na dapat maghanda ang Pilipinas para sa bivalent Covid vaccines habang sinisikap ng Pilipinas na mapanatili ang aktibidad sa ekonomiya sa gitna ng economic at political volatility sa buong mundo.

Aniya, tutulungan tayo ng mga bivalent vaccines na protektahan ang mga vulnerable at ang mga essential sa pagpapanatili ng ating ekonomiya.

Muli niyang iginiit na ang maagang pag-secure ng mga bakuna ay mahalaga kung ang bansa ay magbibigay inspirasyon at confidence sa mga mamumuhunan na wala nang mga abala na magaganap dahil sa virus.

Pinoprotektahan ng Bivalent Covid-19 vaccines laban sa orihinal na strain ng SARS-CoV2 virus at sa mga variant ng Omicron na BA.4 at BA.5.