-- Advertisements --
Muling nanawagan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na dapat lahat ng mga mamamayan ay magbayad ng kanilang tamang buwis.
Sinabi ni BIR Commissioner Lilia Guillermo, na dapat ay gawin ng mga mamamayan ang kanilang bahagi sa pagbabayad ng buwis dahil ito ay kanilang obligasyon.
Paliwanag nito na ang nasabing buwis na binabayaran ay napupunta umano sa mga tamang proyekto ng gobyerno na ang makikinabang rin ay mga tao.
Pagtitiyak nito na nakabantay ang BIR sa mga buwis na binabayaran ng mamamayan para ito ay mapunta sa mga tamang proyekto.