-- Advertisements --

Target ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tuluyang maipatupad ang pagpapataw ng one percent na withholding tax sa mga online sellers sa buwan ng Disyembre.

Sinabi ni BIR assistant commissioner Jethro Sabariaga na patuloy ang kanilang pangangalap ng mga komento at mga suhestiyon m ula sa iba’t-ibang industriya.

Una ng naglabas ang BIR ng final draft ng revenue regulation na nagpapataw ng creditable withholding tax sa mga income payments sa mga electronic marketplace operators.

Noon pang Abril ng simulan nilang mangalap ng mga komento uko sa nasabing bagong revenue measures.

Ang nasabing withholding tax ay maipapatupad lamang kapag lumagpas sa P250,000 ang total gross remittance sa loob ng isang taon.