-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang implementasyon ng tax refund sa mga turista.

Kasunod ito sa naging pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magkaroon ng tax refund sa mga turista gaya ng ipinapatupad sa Japan.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr na naghahanda na sila sa nasabing programa at aminado sila na magkakaroon kabawasan ang kita ng gobyerno dito.

Isa ito sa pinagtutuunan ng BIR ngayon bukod sa ilang mga programa gaya ng digitalization.

Sa mga susunod na araw aniya ay kanilang ilalahad ang mga programa ukol sa nasabing usapin.