Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko na samantalahin ang pinalawig nitong Estate Tax Amnesty.
Ito ay batay sa inilabas na Revenue Regulations (RR) No. 10 series of 2023 ng naturang ahensiya.
Partikular na tinukoy ng ahensiya ang mga indibidwal na hindi pa nakakapabayad ng kanilang Estate Tax
Sa ilalim ng inilabas na revenue regulations, maaari pang maka-avail ang mga ito hanggang Hunyo 14, 2025.
Maliban dito, pinalawig din ang coverage ng naturang programa at sasakupin na rin ang ari-arian ng mga indibidwal na pumanaw bago ang May 31, 2022.
Sa ilalim nito, papayagan din ang mga indibidwal na maisettle ang kanilang babayarang tax sa pamamagitan ng installment parment sa loob ng dalawang taon.
Umaasa naman si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na mas marami ang mahihikayat na mag-asikaso ng kanilang Estate Tax sa panibagong extension nito.
Kabilang naman sa mandatory requirements sa pagproseso ng aplikasyon para sa Estate Tax Amnesty ay ang certified true copy ng Death Certificate, Taxpayer Identification Number (TIN) ng heirs, at government-issued identification card ng executor/administrator ng estate.