Inatasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng mga distributors at nagbebenta ng mga vape products sa bansa na sumunod sa business registration requirements at ilang mga tax obligations ng gobyerno para maiwasan ang anumang penalties.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, na mahalaga ang pagsunod ng mga vape traders sa BIR Revenue Regulations (RR) No. 14-2022 at DTI Department Administrative Order (DAO) No. 22-16 na inilabas para implementasyon ng Republic Act (RA) No. 11900 o the Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.
Kasama rito ang mga vape sellers at distributors online.
Kapag nakapagrehistro na ay hinikayat niya ang mga sellers at distributors na ilagay o idisplay ang kanilang government certificates sa kanilang establishimento o sa anumang online platform para hindi sila masita.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay kinasuhan ng BIR ang ilang mga katao na nagbebenta ng mga smuggled at untaxed na vape products.