-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga tax payers na huwag ng paabutin pa sa Abril 15 deadline ang pagbabayad ng kanilang Annual Income Tax Returns (AITR).

Ayon kay BIR Operations Group Deputy Commissioner Maridur Rosario na mahalaga ang nasabing pagbabayad ng buwis dahil ito ay para sa kaunlaran ng ating bansa.

Maaring mai-file ito sa electronically sa pamamagitan ng e-BIRForms na puwedeng idownload sa kanilang websites.

Pinapayagan din ang manual filing nagkakaroon ng problema sa electronic platforms.

Itinakda naman ng BIR ngayong taon ang P3-trillion na collection target.