-- Advertisements --
Nahigitan ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang target collections nitong buwan ng Oktubre.
Ayon sa BIR na halos 50 percent ang itinaas na tax collection noong Oktubre.
Nagkakahalaga ito ng P274.429 bilyon na mas mataas ng 47 percent noong parehas na buwan noong nakaraang taon na mayroong P186.759 bilyon.
Sa loob ng 10-buwan ng 2023 ay nag-improved ng 11 percent ang koleksyon na katumbas ng P2.132 trillion kumpara sa P1.92 trillion sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Isa sa dahilan ng mataas na koleksyon ng BIR ay dahil sa pinaigting na kampanay laban sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.