Binigyang diin ng Bureau of Internal Revenue ang kahalagahan sa pagbabayad ng buwis at ang pagsusumite ng nasa oras.
Kung saan naglabas ng isang paalala ang naturang kawanihan upang ipabatid sa publiko na huwag nitong kalimutan na magbayad ng kaukulang buwis.
Sa kanilang isinapublikong pahayag, hinimok nila ang mga Pilipino na maalalang mayroong skedyul na sinusunod sa pagbabayad nito.
Mensahe nila’y hanggang Lunes, o Hunyo 16 ng kasalukuyang taon na lamang ang pagsusumite, pag-apruba at pagbabayad ng aplikasyon para sa Estate Tax Amnesty.
Kaya’t mariin pang paalala ng kawanihan na magsumite na kaagad habang maaga upang maibsan o maiwasan ang anumang abala.
Nguni abiso naman ng Bureau of Internal Revenue na walang pagbabayad para sa naturang aplikasyon ng ‘online’ kundi ang mga transaksyon ay isasagawa ng ‘over-the-counter’.