Naghain ng criminal complaints ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa apat na ‘ghost corporations’ na sangkot sa pekeng transaksiyon sa mga lehitimong negosyo dahil sa tax evasion na nagresulta ng pagkawala ng revenue ng ahensiya ng P25.5 billion.
Ayon kay BIR chief Romeo Lumagui Jr, na nagbebenta ang ghost companies na ito ng pekeng serbisyo o resibo na ginagamit ng kanilang buyers para maibawas mula sa kanilang gastusin o kanilang value added tax (VAT).
Paliwanag naman ng BIR chief na hindi mabibiktima dito ang mga ordinaryong mamimili dahil hindi sila nag-iisyu ng resibo sa mga ordinary consumers dahil ang kanilang negosyo ay magbigay ng resibo sa mga buyer para magamit bilang deductions sa kanilang buwis.
Una rito, inihain sa Department of Justice (DOJ) ang naturang reklamo laban sa mga kompaniyang Buildforce Trading Inc., Crazykitchen Foodtrade Corp., Decarich Supertrade Inc., at Redington Corporation.
Sinabi pa ng BIR chief na ang mga mapapatunayang responsable sa iligal na aktibidad ay makukulong at pagmumultahin.
Hinimok din ng ahensiya ang mga korporasyon na nag-aalok ng pekeng serbisyo para sa resibo na tigilan na ito kundi huhulihin at kakasuhan ang mga ito upang mapuksa na ang naturang iligal na gawain.