-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Internal Revunue (BIR) sa mga nagbabayad ng buwis laban sa online sellers na nag-aalok ng mga serbisyo sa pagkuha ng Taxpayer Identification Number (TIN).

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr na ang mga nag-aalok ng nasabing serbisyo ay nadiskubre na nag-ooperate sa social media at sa mga sikat na online selling sites.

Paglilinaw ng BIR official na hindi awtorisado ang ganitong mga serbisyo para sa pagkuha ng TIN.

Kaugnay nito, humiling na ang bureau sa mga kinatawan ng online platform providers na tanggalin ang lahat ng advertisements at postings may kinalaman sa TIN assistance.

Nagsagawa na rin ng entrapment operations ang BIR regional at district offices na humantong sa pagkaaresto ng ilang mga indibidwal.

Ibinabala ng ahensiya na ang pagbebenta at pamemeke ng TIN cards ay may kaukulang parusa na multa at pagkakakulong sa ilalim ng Section 257 ng Tax Code.

Binigyang diin din ng opisyal na libre ang TIN at hindi kailangan ng third party para ito ay makuha.

Pinapayuhan ang publiko na makipagtransaksiyon lamang sa mga awtorisadong revenue personnel sa revenue district office para matiyak na lehitimo ang Taxpayer Identification Number.