-- Advertisements --

Isinasapinal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapataw ng isang porsyento na buwis sa mga online sellers.

Ayon sa BIR na na nasa final draft na sila ng revenue regulation para sa pagpapataw sa mga online sellers.

Mula kasi noong pandemiya ay tumaas ang bilang ng mga online sellers.

Maaring ilabas ang final draft sa Oktubre 27 na nagpapataw ng creditable withholding tax ng one percent sa one-half ng gross remittance ng online platform providers.