-- Advertisements --
Tiwala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na malalampasan nila ang target collection nila ngayong taon 2022.
Ito ay matapos na ipagmalaki ng ahensiya na nalampasan na nila ang monthly target collection nitong Oktubre.
Sa nasabing buwan aniya ay nakakulekta sila ng kabuuang P186.759 bilyon na mas mataas sa P184.030 billion na target collection.
Nangangahulugan na mayroon na silang 1.48% na mas mataas na koleksyon o P2.79 bilyon na nakulekta sa nabanggit na buwan.
Sa kada taon aniya aya nalalagpasan ng BIR ang kanilang target collection sa buwan ng Oktubre.
Mula Enero hanggang Oktubre ngayon taon ay mayroong P1.919 trillion na ang kanilang nakulekta o nasa 97% na sila ng target collection ngayong taon na aabot sa P1.974-T.