-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang monitoring sa mga negosyante ng vape.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumague, na marapat na sumunod ang mga nasa vape industry sa tamang pagbabayad ng buwis, registration at tax requirements.

Inihalimbawa nito ang pagsampa nila ng kaso laban sa isang kumpanya ng vape kung saan pinagbayad ang mga ito ng P1.2 bilyon na mga multa.

Ang nasabing vape industry aniya ay regulated industry kung saan mayroon na aniya ang BIR na sistema ang BIR para sa tamang registration at pagbabayad ng mga ito.