-- Advertisements --
BIR

Target ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs na makakolekta ng hanggang P4.05 trillion sa kabuuan ng taong 2024.

Ang mahigit P4 trillion ay 15.19% na mas mataas kumpara sa target collection ngayong taon na nasa P3.51 trillion lamang.

Sa nasabing target, umaasa ang BIR na makakakolekt ito ng hanggang P3.05 trillion.

Mas mataas ito ng 15.44% kumpara sa target collection ngayong taon na nasa P2.64 trillion lamang.

Sa panig ng Bureau of Customs, umaasa naman itong makaka kolekta ng mahigit isang trilyong piso sa kabuuan ng 2024.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na umangat sa nasabing halaga ang target ng Customs Bureau.

Sa kasalukuyan kasi, nasa P874.17 billion lamang ang target collection ng nasabing ahensya na 14.41% na mas mababa kumpara sa 2024 target.

Ang target collection ay sa likod na rin ng inaasahang implementasyon ng iba’t ibang mga tax measure sa susunod na taon.

Kinabibilangan ito ng mga bagong excise tax sa iba’t ibang mga produkto, dagdag tax sa mga digital service providers, at iba pa.