DAGUPAN CITY – Patay ang 19-anyos na binatang lalaki matapos na malunod habang naglilinis lamang ng sako sa isang ilog sa Nueva Ecija.

Nakilala ang biktima na si Elden Villafora, residente ng Brgy Sto Tomas sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nasa ilog ang biktima kasama ang kanyang kaibigan nang tangayin ng malakas na agos ang nilalabhan nitong sako.

Tinangka umano ni Villafora na kunin ang sako ngunit kasama na itong tinangay sa malalim na bahagi ng ilog.

Natagpuan ng mga rescuer at ilang mangingisda ang labi ng biktima sa bahagi ng Pampanga River makalipas ang 24 oras na paghahanap.

Samantala, patuloty pa rin ang ginagawang imbistigasyon ng mga otoridad upang matiyak na walang foul play sa nabanggit na insidente.