BAGUIO CITY – Arestado ang isang kabataan matapos itong magnakaw ng bisekleta sa Buyagan, La Trinidad, Benguet.

Nakilala itong si Gandwyne Ducosen, 18-anyos, binata at residente ng Badiwan, Ambiong, La Trinidad, Benguet habang ang may-ari ng bisekleta ay si Oliver Basilio, 44-anyos, may asawa at residente ng Betag, La Trinidad, Benguet.

Ayon sa La Trinidad Municipal Police Station, matagal nang nawawala ang bisekleta ng biktima

Pagkatapos ay nakita na lamang ng kapatid ng biktima na ginagamit ng suspek ang bisekleta.

Nakumpirma na pagmamay-ari ng biktima ang bisekletang ginamit ng suspek sa pamamagitan ng serial number nito.