Tiniyak ni vice chairperson on House Committee on Appropriations, deputy majority leader at Iloilo Rep. Jannette Garin na hindi maaapektuhan ang kasalukuyang benepisyo ng mga healthcare workers kaugnay ng patuloy pa rin na banta ng pandemya kahit nasa unprogrammed funds ang P18.9-billion para sa emergency allowance and benefits ng mga health workers para sa taong 2023.
Ayon kay Garin, ang unfunded items ay resulta ng napagtibay na batas para matiyak na tuloy-tuloy ang benepisyo ng mga public at private health workers sakaling muling magkaroon ng mga public health emergencies bukod sa COVID-19.
Sa ilalim aniya ng batas, tungkulin ng gobyerno na magkaloob ng dagdag na health emergency allowances mula P3,000 hanggang P9,000 depende sa “health risk” sa lugar ng kanilang trabaho.
Tiwala si Garin na mapopondohan pa rin ang mga unprogrammed items lalo na kapag lumagpas ang target revenue collection ng gobyerno.