-- Advertisements --

Mas malaki umano ang pangangailangan ngayon para maipasa na ang supplemental budget, matapos lumawak pa ang pagpapa-iral ng qurantine.

Ito’y sa kabila ng session break ng mga mambabatas.

Ayon kay Liberal Party president Sen. Francis Pangilinan, kahit magpatupad ng enhanced quarantine, kung ang mismong magpapatupad ng paghihigpit ay walang kakayahang harangin, tukuyin at gamutin ang mga carrier ng COVID-19 ay tiyak na kakalat pa rin ang sakit.

Giit nito, baka mas mahirap pang solusyunan ang bunga ng kapos na pagtugon sa problema kaysa sa mismong virus na kumakalat.

Para naman kay Sen. Risa Hontiveros, dapat matiyak na maiingatan ang karapatan at kapakanan ng publiko sa pagpapairal ng pinalawak na paghihigpit.

“The respect and protection of the rights of Filipinos should never be compromised. All directives of the government should still operate within the framework of public health emergencies, as described under Republic Act 11332,” pahayag ni Hontiveros.