Hiling ng mga senador na dati ring opisyal ng militar at PNP na maging mahinahon, sa harap ng kontrobersyal na insidenteng pagkasawi ng ilang sundalo sa kamay ng mga pulis sa Sulu.
Ayon kay Sen. Ronald dela Rosa na dati ring chief PNP, ngunit nagsanay sa PMA, hindi dapat manggaling sa mismong mga opisyal ang mabibigat na pahayag hinggil sa pangyayari.
Sinabi ni Dela Rosa na bilang dating uniformed personnel ay handa siyang mamagitan sa dalawang panig.
Aniya, ang kailangan ngayon ay angkop na hustisya at hindi ang paglala ng sitwasyon.
Sa panig naman ng isang dati ring chief PNP na si Sen. Panfilo Lacson, mahalagang bilisan ang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI).
Upang hindi na magkaroon ng sari-saring espikulasyon sa insidente sa pagitan ng mga sundalo at pulisya.