Isang bilanggo ang nagwala matapos mabagot sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa at nakapatay ito ng kapwa niya preso sa loob ng maximum security compound.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Spokesman Col. Gabriel Chaclag, namatay din ang suspek kaya dalawa ang namatay sa insidente at may ilan pang presong nasugatan

Nilinaw naman ni Chaclag na walang nangyaring riot sa loob ng piitan, kundi isang bilanggo lamang ang nagwala at nanaksak.

Ginagamot na sa NBP hospital ng maximum security compound ang mga sugatang bilanggo.

Isa sa mga tinitingnan na dahilan ng BuCor sa pagwawala ng preso ay ang labis na pagkainip sa paghihuntay sa kanyang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Tumanggi muna ang BuCor na isapubliko ang pangalan ng dalawang napatay na bilanggo, maging ang mg sugatan dahil hindi pa ito naipararating sa kanilang mga kamag-anak.