-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Bilang pagganti sa mga nasawi at nasugatan na mga Amerikano sa Iraq.

Ito ani Bombo International News Correspondent Rufino “Pinoy” Gonzales sa Estados Unidos ang dahilan ng ginawang missile strike ng US sa Iranian military installation sites sa Syria.

Aniya na ang naturang pagatake ay maaaring isang indikasyon ng diversion sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas sa Gaza.

Saad ni Gonzales na ito ang maituturing na reaksyon ng Estados Unidos hinggil sa nangyari, at sa halip na sila ang magreport ay ang Syria dapat ang sumagot patungkol sa insidente.

Samantala, maituturing naman aniya na collateral ang mga nadamay na sibilyan sa pambobomba ng Iran habang nakikita naman nito na may koneksyon ang nasabing pagatake sa pagtindi ng sigalot sa pagitan ng Israel at Hamas.