Cauayan City – Umabot na sa labintatlo ang Persons Under Investigation o PUI sa region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Leticia Cabrera, Asst. Regional Director ng Department of Health o DOH region 2 na ang mga specimen ay ipinadala na nila sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM at hinihintay na lamang nila ang resulta ng mga ito.

Sa labintatlo aniya na PUI ay lima na ang nagnegatibo batay sa ipinadala ng RITM na resulta ng kanilang specimen.

Tiniyak ni Dr.Cabrera na sa kabila ng pagkakaroon ng labintatlong PUI ay nananatiling Novel Coronavirus free ang region 2.

Patuloy na inoobserbahan sa mga ospital ang mga natitirang PUI habang hinihintay ang resulta ng kanilang specimen mula sa RITM.

-- Advertisement --

Ang apat na PUI na naidagdag kahapon ay mula sa Cauayan City sa Isabela, dalawa sa Sanchez Mira at isa sa Iguig, Cagayan.