BUTUAN CITY – Nagpatuloy ang sumukong mga rebelding New People’s Army o NPA at mga supporters nito sa Surigao del Norte, ayon sa 402nd Infantry Brigade Philippine Army.
Ayon kay Maj. Francisco P. Garello Jr., 402nd IB civil military officer, ang pinakahuling batch sa surrenderers ay kinabibilangan ng 37 mga SangaysaPartidoLokal o SPL, o local party members sa Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA at 46 na Militia ng Bayan.
Isinumite nila ang kanilang sarili sa 30th Infantry Battalion, Philippine Army.
Sa nakaraang linggo, 146 na Underground Mass Organization n UGMO members at 167 mass supporters ang sumuko naman sa 30th IB.
Iba pang batch ng nagsurender ang naganap sa nakaraang linggo kung saan 244 ay sumuko sa bayan ng Malimono at 152 pa pumunta sa sa 30th IB headquarters sa Barangay Sta. Cruz noong Hulyo 5.
Umabot sa 11 naman sa iba’t ibang uri ng baril ang isinuko kay Malimuno Mayor Senaca at 30th IB commander Lt. Col. Allen Tomas.
Samantala, 152 na NPA supporters galing sa Surigao City at bayan ng Tagana-an, San Francisco at Sison ang bulontaryong sumuko sa 30th IB headquarters noong weekend.