-- Advertisements --
Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi ng tamaan ng magnitude 6.2 na lindol sa Gansu province sa China.
Aabot kasi sa mahigit 700 ang sugatan kung saan nagtamo ang mga ito ng matinding sugat sa katawan.
Naging pahirapan pagligtas ng mga rescuers dahil sa maraming mga biktima ang natabunan ng mga gumuhong gusali.
Tiniis ng mga residenteng lumikas ang matinding lamig matapos na ipag-utos ng mga otoridad ang mandatory evacuation.
Itinuturing na ito na ang pinakamatinding lindol mula pa noong 2014 kung saan mahigit 600 katao na ang nasawi sa south-western Yunnan province.
Ipinag-utos na rin ni Chinese President Xi Jinping ang mga rescuers na suyurin ang lugar para mahanap ang mga biktima.