-- Advertisements --

Pumalo na sa anim na katao ang nabawing bangkay mula sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Angeles City, Pampanga.

Ang nasabing pagkakadiskubre ay halos isang araw matapos na madiskubre nila ang ikalimang bangkay sa isang bahagi ng gumuhong gusali.

Tuloy-tuloy ang ginagawang search and rescue operations ng mga otoridad mula noong mangyari ang insident ng madaling araw ng Mayo 24.

Magugunitang hindi pa isinasantabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagkakataon na may buhay pang makikita mula sa gumuhong gusali kung saan karamihan sa mga bikitma ay mga construction workers.