-- Advertisements --
image 339

Lumagpas na sa 100 million ang bilang ng mobile phone users na nakapagpatala ng kanilang subscriber identification modules (SIM) sa kalagitnaan ng Hunyo mahigit isang buwan bago ang nakatakdang pagpaso ng pinalawig na SIM registration sa Hulyo 25.

Base sa Sim registration update ng National telecommunicatiins Commission (NTC), nasa kabuuang 100,048,884 SIMs na ang nakarehistro as of June 20, 2023.

Ito ay 59.55% na ng kabuuang mahigit 168 million Sim card users.

Sa naturang bilang nasa 47.272 million ang nakapagtala na sa mga Smart subscribers, 45.868 million registered SIMs mula sa Globe at 6.908 million subscriber na ang nakapagtala sa DITO Telecommunity users.

N