-- Advertisements --

Domoble ang bilang ng mga natanggap na reklamo ng Department of Trade and Industry (DTI) noong nakaraang taon kumpara noong bago naganap ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual na noong nakaraang taon lamang ay mayroong 28,000 na reklamo ang natanggap ng kanilang Consumer Protection Group (CPG) na ito ay mahigit na domoble na nasa 10,000 na reklamo lamang.

Sa nasabilng bilang ay 12,200 o 44 percent nito ay may kinalaman sa reklamo sa online transactions.

Mayroon namang 2,200 ang reklamo ng panloloko gaya ng walang natanggap ang customers sa mga binili nilang produkto.

Nasa 2,500 na reklamong natanggap ay kanilang naresolba, habang nasa 9,900 ang naindorso sa tamang ahensiya habang ang iba ay iniatras na ng mga nagrereklamo.