Inihayag ng Bureau of Animal Industry na tumaas ang bilang ng mga rehiyon na apektado ng African Swine Fever mula sa lima noong Enero ngayong taon kumpara ngayong buwan ng Pebrero.
Sa pinakahuling mga datos ng naturang kawanihan, ito ay nagpakita na ang isang outbreak ay naiulat sa 12 probinsya ngayong buwan kumpara sa walo noong Enero.
Ang mga lugar na apektado ng African Swine fever ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Caraga region.
Noong Enero naman, ang mga apektadong rehiyon ay ang Ilocos Region, CALABARZON, Region 6, at Region 8.
Una na rito, batay sa monitoring ng Department of Agriculture sa mga pamilihan, tumaas ang presyo ng baboy dahil sa kakulangan ng supply na dulot ng African Swine Fever sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.