Nabawasan ang bilang ng mga Pilipino sa Gaza na humiling ng repatriation sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel forces at militanteng Hamas na magiisang buwan na bukas, Nobiyembre 7.
Paliwanag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, nasa 115 Pilipino ang inisyal na nagnanais na makatawid sa Rafah border subalit ilan sa kanila ay umatras nang malaman na hindi nila maisasama ang kanilang kamag-anak o asawang Palestinian palabas ng Gaza.
Kung kayat tanging nasa 46 na Pilipino lamang ang nais na mailikas patungong Egypt.
Ang hakbang na ito ng gobyerno ng Pilipinas na pagpapauwi sa mga Pilipinong nasa Gaza ay pinayagan matapos magbigay ng notice ang Israel nagbibigay ng approval o clearance para sa paglikas ng lahat ng 136 Pilipino mula sa Gaza.
Kung saan 2 Pilipinong doktor volunteers para sa international humanitarian aid group na Doctors Without Borders ang nakatawid na patungong Egypt.
Maalala noong Oktubre 15 nang ilagay ng DFA ang Gaza city sa Alert level 4 o mandatory repatriation sa gitna mg nagpapatuloy na ground offensive ng Israeli forces laban sa militanteng Hamas.