-- Advertisements --

Dumami pa ang bilang ng mga Filipino na nag-iimpok ng kanilang pera sa bangko.

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sa unang tatlong buwan ng 2023 ay tumaas ng 7.2 percent ang bilang ng mga Pinoy na nag-impok at nagbukas ng kanilang account sa bangko.

Umabot sa kabuuang P17.7 trillion ang naideposito hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Marso.

Karamihan dito ay peso deposits na mula sa mga indibidwal ng bansa at private corporations.

Sa nasabing datos ay nagpapakita na nananatiling malakas pa rin ang bangking system sa bansa.