Nakikitaan ng Department of Transportation (DOTr) ng pagtaas sa bilang ng mga pasahero na sumasakay ng tren sa Metro Manila ngayong buwan kumpara noong mga nagdaang buwan.
Sa datos na inilabas ng ahensya, makikita na lahat ng Metro Manila Traines ay nakakuha ng kabuuang bilang ng 284,880 na indibidwal na sumasakay ng tren mula noong Disyembre 1 hanggang 13, kumpara ito sa 220,255 noong Nobyembre 1 hanggang 30, at 148,097 naman noong Hunyo 1 hanggang Setyembre 30.
Umabot naman ng 3,703,403 ang ridership na naitala noong Disyembre 1 hanggang 13.
Nabatid din na Light Riail Transit Line 1 (LRT-1) ang nakakuha ng mataas na bilang ng ridership na aabot ng 1,679,972, sinundan ito ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na may 1,439,998, Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na may 378,266.
Pinakahuli naman ang Philippine National Railways (PNR) na may 205,238.
Mayroong 24 train sets ang tumatakbo sa LRT-1 tuwing peak hours, 18 train sets naman kapag off-peak hours. Sinundan ng MRT-3 na may 22 train sets tuwing peak hours at 20 tren kapag off-peak hours. Ang PNR naman ay mat 10 train sets at limang tren naman sa LRT-2.
Sa kabuuang datos mula Hunyo 1 hanggang Disyembre 13 ay pumalo na ng 17,919,775 ang total ridership ng mga tren.